Sinsay muna dine bago magkaribok!!
Eto at pakibasa na laang, at nang kayo ay maaliw sa palitan ng matimyas na wikang tagalog!
Pareng Ariel,
Ok laang kami dine kahit papaano eh nakakaraos naman... hindi naman ako mayaman pare eh, mayabang laang siguro hehehe.Ay naku medyo lumaki nga ang katawan ko ngay-on gawa ng hiyang yata sa kamoteng kahoy na almusal, asbag laang lalo na ang tiyan ko kalake nga hehehe. Kasarap ga ng buhay dyan sa abroad kadami pang langis dyan sa dubai samantalang dine sa aten ah ah kamahal ng anggas lalot kingke ang ilawan. Dati'y pangarap ko din mag abroad kaya laang ay hindi siguro yun swerte ko kaya are nagtityaga na isang hamak na manggagawa laang, kahit papaano naman ay nakakain ng ayos at pag sinuswerte ay may meryenda pa kahit sinolbot o kaya naman ay pisbol. Gusto mo ga ng panutsa ay padadalhan ka namin pag may uwuwi dine pati bagoong at manggang manibalang pa... ayan tuloy naglalaway ako lalot mahanghang hahahaha.
Ako'y nalamangan nila noong una sila laang yung naunang nagkita kita, pero kung nakapunta ako kina pareng Mike noong bertdey nya Nov 2 yun nagpunta kami sa sementeryo ay baka non pa man ay nakasama na agad ako. Kaya noong magkita kami ni pare nagrequest ako na kung pwede magkitakits ulet at yun nga naging final na usapan ay Jan 3, makabagong taon para bakasyon pa yung mga klasmeyt natin. Kina Zeny yung venue sa inyo doon naalala ka naman namin kaya laang nasa abroad ka nga daw. Kadaming pagkain noon pare ah ah may inihaw na tilapia at bangus, liempo, talong at manggang hilaw na may bagoong naku pare baka ikaw ay matagal tagal naring hindi nakakain nire ay gawan mo ng paraan na makauwe.hehehe.Yun nga laang si pareng mike sa dami ng pagkain ay ay tumikim laang kapihikan ga ng taong are. ah ah. Yun nga dat time na namin na finalize yung grand homecoming ng BATCH '88.
Sa pakikipagtulungan ng lahat at sa pangunguna ni pareng Mike halos konti na laang ang kulang sa preparation ng ating reunion. Hindi mo man naitatanong ano naku si pareng Mike ay kalake ng ipinagbago ah ah ano gang baet ng taong are ngay-on kung kailan nagkaedad ay saka bumaet.... hehehe na sya namang tama talaga di ga? Ay hindi ko na talaga maarok eh, kabaligtaran ko ngay-on gaya nga ng sabi ng mamang ay wala daw nababang-aw na belot hahaha...
Si Bong naman gwaping na gwapings pa rin hanggang ngay-on at kengkoy pa rin. kung hindi ako nagkakkamali ay may-ari na ng isa sa pinakamalaking telecom dine sa atin samsung yata yun... at hindi mo man naitatanong ano, balita ko ay magpapa raffle daw si bong ng celfone at latest model pa daw ha hehehe. Bong, maraming salamat sa'yo in advance....
PS. Pare, kung hindi ka man makakarating ngay-on ay marami pa namang darating na reunion natin. Pag ikaw ay makakauwe anytime sabihan mo kami agad ha para maiset natin agad yung date para magkitakits ulet tayo. Malay mo i-treat mo kaming lahat ay naku lalong masaya ang tropa hehehe.Nakakatuwa talagang isipin na sa nakaraang mahabang panahon ay magkakasama sama ulet tayo pati na ang mga pamipamilya natin.
Kitamo pare may PS pa ako di ga parang tunay na sulat na are eh at pasensya ka na ha nagmamadali pa ako nare kaya ganire laang kaikli. After the reunion sigurado akong mahaba na ang maiikwento ko sa iyo...Hanggang dito na laang pare at ako'y magtatrabaho muna ha natambak ang haluin kong semento eh maninigas magagalet ang poorman.hahaha. Mag-ingat na lamang tayong lahat. GOD BLESS US>>>
Regards,
TOLITZ





